Thursday, October 6, 2011

"Para kay Sir Jayson"

                    Akala ko noo'y isa siyang masungit na guro at napaka-istrikto. Nang una ko siyang makita ay hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Ngunit di ko naman inakalang ang lahat ng akala ko sa aking guro ay hindi totoo. Mabait na guro si Sir Jayson at napaka- palabiro, nakakatuwa siyang mag-turo at isa yon sa mga dahilan kung bakit isa siya sa mga hinahangaan kong guro simula ng makatuntong ako dito sa CLSU. Nag tuturo siya ng maayos at hindi ka makaka- alis ng klase niya ng wala kang natututunan. Ngunit  hindi lang naman puro positibo ang naipakita ng aking guro sa amin. Dahil sa kaingayan namin ay dalawang beses na rin kaming na "walk-outan" ni Sir Jayson ngunit napagtitiyagaan parin kami ni sir turuan. Ang masasabi ko sa aking guro ay salamat po sa pagtitiyagang turuan kami, marami po akong natutunan sa iyo sir at hindi ko po makakalimutan ang isang gurong katulad ninyo. Salamat po sir :)

"Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110" Sanaysay ng iyong mga karanasan sa asignaturang ito.

                           Masaya ako na kahit papaano'y umabot ako sa ikalawang taon ng kolehiyo. Napakahirap mag-aral at hindi ko inakalang ako'y makaka abot pa sa ikalawang taon. Naging guro ko na noong unang semestre noong first year si G. Jayson Sobrevilla at masasabi kong naging masaya ako sa klase niya, at hindi ko naman inakalang magiging guro ko pa sya sa Fili110. Isa sa mga masasayang karanasan ko sa Fili110 ang mga aktibidad naming hindi ko malilimutan at ang pag-papatawa ng aking guro habang nag- "didiscuss" . Pati na rin noong gumuhit kami ng larawan ng aming buhay, :)  hanggang sa pag- gawa ng mga proyekto na dati'y hindi ko alam gawin. Pero para sakin, ang pinaka masaya ay ang aming "last term exam" kasama ang makukulit na mga proctor ng aking guro :) .

Wednesday, October 5, 2011

ANG SINING NG AKING PANGALAN

M-agulong kasama
A-t pinaka makulit na barkada
Y-an si May ann C. Somera

A-ng pinaka pasaway sa aming barkada: kapag ikay
N-alulungkot at may problema
N-andiyan siya parati para tulungan ka!

Wednesday, September 7, 2011

Si P-noy para sa mga Pinoy

                                                            Si P-noy para sa ating mga Pilipino. Nakatulong ba? May mga pag-babago ba? Nag-karoon ba ng tuwid na landas? Mawala ang wang--wang. Isa yan sa mga pangako ng ating pangulo noong siya ay nangangandidato palamang. Nakatulong? Ndi ko pa man nararamdaman ang mga pag-babagong nagaganap sa ating bansa ay masasabi ko ng nakatulong naman na ang ating pangulo sa ilan nating mahihirap na kababayan. Masasabi ko ring hindi parin sapat ito dahil marami parin ang mga kababayan nating nagugutom. Ngunit hindi pa tapus ang termino ng ating pangulo kung kaya't marami pa ang maaaring mag-bago. 

Awit ng aking buhay

"Isang pangarap
Ako'y naniniwala
Ako ay lilipad
At ang lahat makakakita"
Yan ang pinakapaborito kong linya sa awit ng aking buhay. Ang awit ni Angeline Quinto na pinamagatang "Patuloy ang Pangarap". Lahat ng tao'y may kani-kanyang pangarap at kahit ano mang pag-subok ang dumating ay dapat patuloy parin tayong mangarap. Ito ang awit ng aking buhay sapagkat marami mang pagsubok na dumadating sa aki'y hindi dapat doon natatapos ang lahat. Dahil habang nabubuhay ay may pag-asa at lahat ay makakaya. 

Tuesday, September 6, 2011

Sampung taon mula ngayon, heto na ako!





                                Sampung taon na ang nakalipas, heto na ako. Kailan lang noong iniisip ko kung ano ako pag kalipas ng sampung taon at hindi ko inaakalang pag katapos ng mga pag-hihirap na aking naranasan ay makakamit ko din ang magandang buhay na aking pinapangarap . Isa na ako ngayong ganap na empleyado ng isang kumpanya, may marangyang buhay at mag-sisimula ng bumuo ng sariling pamilya. Nakapag-paaral na rin ako ng aking bunsong kapatid at napag-patayo na rin namin ng aking kuya ng mas magandang tahanan ang aming mga magulang na dati'y pangarap lamang. Masaya na ako at kontento sa mga nakamit ko ngayon at lubos na nag-papasalamat sa mga taong tumulong sa akin upang makarating sa aking mga pangarap. At sa Diyos na lagi kong gabay.

Si Crush

May Ann Somera
Ano nga ba ang gusto natin sa isang tao kaya natin siya hinahangaan? Hinahangaan mo sya  dahil sa isang bagay na nagustuhan mo sakanya. Bilang isang indibidwal, mayroon din akong hinahangaan. Siya ay si Viner Calica, labing-walong taong gulang. Hinahangaan ko sya dahil sa kanyang mabuting kalooban. Siya ay simple at responsableng panganay. Yan ang nga dahilan kung bakit ko siya hinangaan.

Ako bilang isang bagay

Maihahambing ko ang aking sarili bilang isang libro. Ako bilang isang libro na laging nakabukas para sa mga minamahal at kaibigan. Kagaya ng isang libro na handang mag-bigay ng kahit simpleng payo, at kwento upang makapanlibang. Isa akong libro na madalas ay patungkol sa mga nakakatawang bagay dahil isa akong kapamilya at kaibigan na madalas mag-patawa. Ayoko na may nakikita akong nalulungkot kaya nagkukwento ako... Ang sabi ko nga, " sa libro ng buhay bawat kwento ay mahalaga, bawat kwento'y merong kakaiba, pero ang bumuo ng aking istorya ay ang kwento kung saan nakilala ko sila" . Sila na nagiging dahilan kung bakit ako isang nakabukas na libro para sa ibang tao . . .

Monday, September 5, 2011

Ang AKing Pamilya





Mario Somera
Sina Mario Somera at Nenita Somera ang aking mga magulang . Ang aking ama ay ipinanganak noong Disyembre 20. 1968 sa bayan ng Sto. Domingo at ang aking ina naman ay ipinanganak noong Hulyo 24,1971 sa bayan ng Munoz.

Mario Somera
Ang lalaki sa bandang kanan ay ang aking kuya, ang panganay sa aming mag-kakapatid. Siya ay labing-siyam na taong gulang na at nag-aaral sa Nueva Ecija University of Science and Technology at kumukuha ng kursong Arkitektura. Siya ay ipinanganak noong Hunyo 9, 1992.

Nenita Somera
Siya si Marienne C. Somera, ang aking bunsong kapatid. Siya ay walong taong gulang at nasa ika-apat na baitang sa mababang paaralan ng Bical Elementary School. Siya ay ipinanganak noong Hunyo 1, 2003.

Tungkol sa Aking Sarili

May Ann Somera
 Ako si May Ann C. Somera. Labing-pitong taong gulang. Nag aaral sa Central Luzon State University at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Ako ay nakatira sa Bical, Munoz, Nueva Ecija. Ikalawa sa tatlong magkakapatid at anak nina G. Mario Somera at Nenita Somera.