Thursday, October 6, 2011

"Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110" Sanaysay ng iyong mga karanasan sa asignaturang ito.

                           Masaya ako na kahit papaano'y umabot ako sa ikalawang taon ng kolehiyo. Napakahirap mag-aral at hindi ko inakalang ako'y makaka abot pa sa ikalawang taon. Naging guro ko na noong unang semestre noong first year si G. Jayson Sobrevilla at masasabi kong naging masaya ako sa klase niya, at hindi ko naman inakalang magiging guro ko pa sya sa Fili110. Isa sa mga masasayang karanasan ko sa Fili110 ang mga aktibidad naming hindi ko malilimutan at ang pag-papatawa ng aking guro habang nag- "didiscuss" . Pati na rin noong gumuhit kami ng larawan ng aming buhay, :)  hanggang sa pag- gawa ng mga proyekto na dati'y hindi ko alam gawin. Pero para sakin, ang pinaka masaya ay ang aming "last term exam" kasama ang makukulit na mga proctor ng aking guro :) .

No comments:

Post a Comment