Wednesday, September 7, 2011

Awit ng aking buhay

"Isang pangarap
Ako'y naniniwala
Ako ay lilipad
At ang lahat makakakita"
Yan ang pinakapaborito kong linya sa awit ng aking buhay. Ang awit ni Angeline Quinto na pinamagatang "Patuloy ang Pangarap". Lahat ng tao'y may kani-kanyang pangarap at kahit ano mang pag-subok ang dumating ay dapat patuloy parin tayong mangarap. Ito ang awit ng aking buhay sapagkat marami mang pagsubok na dumadating sa aki'y hindi dapat doon natatapos ang lahat. Dahil habang nabubuhay ay may pag-asa at lahat ay makakaya. 

No comments:

Post a Comment