| Si P-noy para sa ating mga Pilipino. Nakatulong ba? May mga pag-babago ba? Nag-karoon ba ng tuwid na landas? Mawala ang wang--wang. Isa yan sa mga pangako ng ating pangulo noong siya ay nangangandidato palamang. Nakatulong? Ndi ko pa man nararamdaman ang mga pag-babagong nagaganap sa ating bansa ay masasabi ko ng nakatulong naman na ang ating pangulo sa ilan nating mahihirap na kababayan. Masasabi ko ring hindi parin sapat ito dahil marami parin ang mga kababayan nating nagugutom. Ngunit hindi pa tapus ang termino ng ating pangulo kung kaya't marami pa ang maaaring mag-bago. |
Wednesday, September 7, 2011
Si P-noy para sa mga Pinoy
Awit ng aking buhay
| "Isang pangarap Ako'y naniniwala Ako ay lilipad At ang lahat makakakita" Yan ang pinakapaborito kong linya sa awit ng aking buhay. Ang awit ni Angeline Quinto na pinamagatang "Patuloy ang Pangarap". Lahat ng tao'y may kani-kanyang pangarap at kahit ano mang pag-subok ang dumating ay dapat patuloy parin tayong mangarap. Ito ang awit ng aking buhay sapagkat marami mang pagsubok na dumadating sa aki'y hindi dapat doon natatapos ang lahat. Dahil habang nabubuhay ay may pag-asa at lahat ay makakaya. |
Tuesday, September 6, 2011
Sampung taon mula ngayon, heto na ako!
Sampung taon na ang nakalipas, heto na ako. Kailan lang noong iniisip ko kung ano ako pag kalipas ng sampung taon at hindi ko inaakalang pag katapos ng mga pag-hihirap na aking naranasan ay makakamit ko din ang magandang buhay na aking pinapangarap . Isa na ako ngayong ganap na empleyado ng isang kumpanya, may marangyang buhay at mag-sisimula ng bumuo ng sariling pamilya. Nakapag-paaral na rin ako ng aking bunsong kapatid at napag-patayo na rin namin ng aking kuya ng mas magandang tahanan ang aming mga magulang na dati'y pangarap lamang. Masaya na ako at kontento sa mga nakamit ko ngayon at lubos na nag-papasalamat sa mga taong tumulong sa akin upang makarating sa aking mga pangarap. At sa Diyos na lagi kong gabay.
Si Crush
![]() |
| Ano nga ba ang gusto natin sa isang tao kaya natin siya hinahangaan? Hinahangaan mo sya dahil sa isang bagay na nagustuhan mo sakanya. Bilang isang indibidwal, mayroon din akong hinahangaan. Siya ay si Viner Calica, labing-walong taong gulang. Hinahangaan ko sya dahil sa kanyang mabuting kalooban. Siya ay simple at responsableng panganay. Yan ang nga dahilan kung bakit ko siya hinangaan. |
Ako bilang isang bagay
| Maihahambing ko ang aking sarili bilang isang libro. Ako bilang isang libro na laging nakabukas para sa mga minamahal at kaibigan. Kagaya ng isang libro na handang mag-bigay ng kahit simpleng payo, at kwento upang makapanlibang. Isa akong libro na madalas ay patungkol sa mga nakakatawang bagay dahil isa akong kapamilya at kaibigan na madalas mag-patawa. Ayoko na may nakikita akong nalulungkot kaya nagkukwento ako... Ang sabi ko nga, " sa libro ng buhay bawat kwento ay mahalaga, bawat kwento'y merong kakaiba, pero ang bumuo ng aking istorya ay ang kwento kung saan nakilala ko sila" . Sila na nagiging dahilan kung bakit ako isang nakabukas na libro para sa ibang tao . . . |
Monday, September 5, 2011
Ang AKing Pamilya
Tungkol sa Aking Sarili
![]() |
| Ako si May Ann C. Somera. Labing-pitong taong gulang. Nag aaral sa Central Luzon State University at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Ako ay nakatira sa Bical, Munoz, Nueva Ecija. Ikalawa sa tatlong magkakapatid at anak nina G. Mario Somera at Nenita Somera. |
Subscribe to:
Posts (Atom)




