Tuesday, September 6, 2011

Sampung taon mula ngayon, heto na ako!





                                Sampung taon na ang nakalipas, heto na ako. Kailan lang noong iniisip ko kung ano ako pag kalipas ng sampung taon at hindi ko inaakalang pag katapos ng mga pag-hihirap na aking naranasan ay makakamit ko din ang magandang buhay na aking pinapangarap . Isa na ako ngayong ganap na empleyado ng isang kumpanya, may marangyang buhay at mag-sisimula ng bumuo ng sariling pamilya. Nakapag-paaral na rin ako ng aking bunsong kapatid at napag-patayo na rin namin ng aking kuya ng mas magandang tahanan ang aming mga magulang na dati'y pangarap lamang. Masaya na ako at kontento sa mga nakamit ko ngayon at lubos na nag-papasalamat sa mga taong tumulong sa akin upang makarating sa aking mga pangarap. At sa Diyos na lagi kong gabay.

No comments:

Post a Comment