Thursday, October 6, 2011

"Para kay Sir Jayson"

                    Akala ko noo'y isa siyang masungit na guro at napaka-istrikto. Nang una ko siyang makita ay hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Ngunit di ko naman inakalang ang lahat ng akala ko sa aking guro ay hindi totoo. Mabait na guro si Sir Jayson at napaka- palabiro, nakakatuwa siyang mag-turo at isa yon sa mga dahilan kung bakit isa siya sa mga hinahangaan kong guro simula ng makatuntong ako dito sa CLSU. Nag tuturo siya ng maayos at hindi ka makaka- alis ng klase niya ng wala kang natututunan. Ngunit  hindi lang naman puro positibo ang naipakita ng aking guro sa amin. Dahil sa kaingayan namin ay dalawang beses na rin kaming na "walk-outan" ni Sir Jayson ngunit napagtitiyagaan parin kami ni sir turuan. Ang masasabi ko sa aking guro ay salamat po sa pagtitiyagang turuan kami, marami po akong natutunan sa iyo sir at hindi ko po makakalimutan ang isang gurong katulad ninyo. Salamat po sir :)

No comments:

Post a Comment