Thursday, October 6, 2011

"Para kay Sir Jayson"

                    Akala ko noo'y isa siyang masungit na guro at napaka-istrikto. Nang una ko siyang makita ay hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Ngunit di ko naman inakalang ang lahat ng akala ko sa aking guro ay hindi totoo. Mabait na guro si Sir Jayson at napaka- palabiro, nakakatuwa siyang mag-turo at isa yon sa mga dahilan kung bakit isa siya sa mga hinahangaan kong guro simula ng makatuntong ako dito sa CLSU. Nag tuturo siya ng maayos at hindi ka makaka- alis ng klase niya ng wala kang natututunan. Ngunit  hindi lang naman puro positibo ang naipakita ng aking guro sa amin. Dahil sa kaingayan namin ay dalawang beses na rin kaming na "walk-outan" ni Sir Jayson ngunit napagtitiyagaan parin kami ni sir turuan. Ang masasabi ko sa aking guro ay salamat po sa pagtitiyagang turuan kami, marami po akong natutunan sa iyo sir at hindi ko po makakalimutan ang isang gurong katulad ninyo. Salamat po sir :)

"Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110" Sanaysay ng iyong mga karanasan sa asignaturang ito.

                           Masaya ako na kahit papaano'y umabot ako sa ikalawang taon ng kolehiyo. Napakahirap mag-aral at hindi ko inakalang ako'y makaka abot pa sa ikalawang taon. Naging guro ko na noong unang semestre noong first year si G. Jayson Sobrevilla at masasabi kong naging masaya ako sa klase niya, at hindi ko naman inakalang magiging guro ko pa sya sa Fili110. Isa sa mga masasayang karanasan ko sa Fili110 ang mga aktibidad naming hindi ko malilimutan at ang pag-papatawa ng aking guro habang nag- "didiscuss" . Pati na rin noong gumuhit kami ng larawan ng aming buhay, :)  hanggang sa pag- gawa ng mga proyekto na dati'y hindi ko alam gawin. Pero para sakin, ang pinaka masaya ay ang aming "last term exam" kasama ang makukulit na mga proctor ng aking guro :) .

Wednesday, October 5, 2011

ANG SINING NG AKING PANGALAN

M-agulong kasama
A-t pinaka makulit na barkada
Y-an si May ann C. Somera

A-ng pinaka pasaway sa aming barkada: kapag ikay
N-alulungkot at may problema
N-andiyan siya parati para tulungan ka!